Thursday, October 17, 2002

grabeeeeeeeeeee.. what a day.

nag-absent na naman ako.. kasi balak ko ngang kunin yung tickets plus discman sa globe.. buti na lang sinamahan ako nila mommy and daddy na kunin yun.. nagkaligaw-ligaw pa nga kami dahil wala man lang ka-sign boardsign board yung hinayupak na office na yun.. MYX office ata yun eh.. anywayz.. nung andun na ako.. ang daming tao.. tapos there was this girl na nakakuha na ng ticket nya.. so i asked if kung san yung pwesto.. tapos nakita ko sa ticket na upper Box B.. so parang asa isip ko..
"ay olats.. tsk"
pero ok parin kasi prize naman kuno dibuh.. pero nung it was this big conyotic guy's turn.. pagkakuha nya ng ticket, nag thumbs up sya sa girl nyang kasama tapos sabi nya
"patron!"
.. edi nagtaka na ako.. bakit ganon.. bakit iba-iba binibigay.. then when it was my turn.. ang inaabot saken Upper box B din.. so i asked how come yung isang guy binigyan nila ng patron tickets.. i was just asking (and really really curious) kung ano systema nila dun.. tapos sabi ng girl (na nagrerelease nung tickets..) utos daw ng globe na sa mga lalake lang daw ibigay yung patron na tickets.. so i asked.. kung bakit.. it's the same contest naman.. it's the same text message na we received.. tsaka helloooo prepaid kaya yung sim ko so dapat kung may rule na ganon pala eh lalake ang pinakuha ko ng prize ko.. tapos i said to the girl
"eh bakit sya (/me pointing at guy na student) upper box B din binigay mo.."
tapos wala na siyang masabi.. grabe lang.. pinipilit nya na upper box b lang daw talaga ang ibibigay nya dahil yun daw ang "utos" so i asked..

"sino buh ang superior mo? asan sya?"
"super busy po talaga sya. as in"

duh. so i said
"just let me talk to her"

take note ang voice ko dito is very moderate and mahinahon. kasi gusto ko lang talaga malaman kung ano ang logic nila ng pagbibigay ng tickets.. pano nila dinididetermine who gets the patron, or the upper box B tickets..

then sobrang tagal ng usapan.. tapos talagang inabot na saken nung girl yung 4 upper box B tickets eh i wouldn't budge. kasi nga WALA SILANG LOGIC. i told them..

"bakit ba kayo nagdidiscriminate who gets the patron tickets?"

hindi daw sila nagdidiscriminate eh ano tawag dun sa ginagawa nila. i bet nirereserve lang nila yung patron tickets sa mga kakilala nilang nanalo.
tapos yung girl na kausap ko biglang sumigaw na (with matching open arms)

"WALA NA KAMING MAGAGAWA. YAN NA LANG TALAGA"

thought: aha. sigawan na pala ah.

i said:
"IF YOU'RE GOING TO SHOUT THEN I CAN SHOUT WITH YOU" (but promise mas malakas parin boses nya kasi nga dibuh paos ako with sipon and everything hehe)
"ALL I'M SAYING IS NAGDIDISCRIMINATE KAYO KUNG SINO BIBIGYAN NYO NG PATRON TICKETS WHEN IT'S THE SAME CONTEST AND THE SAME TEXT MESSAGE NA WE RECEIVED FROM THE GUY NA BINIGYAN NYO NG PATRON TICKETS"

then dumating na yung "boss" (babae din na mas walang kwenta, i swear)

"what seems to be the problem here?"

edi mega ulit ako.

tapos binigyan nya ako ng same reason. (guys lang daw pwede sa patron) so sinabi ko na naman na bakit yung ibang lalake ndi naman patron binibigay.
tapos sabi nya "first come first serve" daw.
so i said... "yun naman pala e.. andito ako.. you still have the tickets.. so anong problema?"

grrrrrrrrrr. basta bwiset na bwiset ako. in then end sinabi rin.
"bibigyan na kita ng 4 patron tickets para matapos na toh"

DUH! i was like "SA WAKAS!" yun nga gusto ko e. i was all for "discreet and diplomatic" etong babae mega sigaw sigaw eh wala namang SENSE yung sinasabi nya.
first of all, regular patron tickets are sold to girls. wala namang rule na lalaki lang pwede bumili nun. second, sana kung lahat ng tickets upper box b walang problema saken yun. eh nakita kong binigyan yung isa ng patron. sana sinabi na lang nila na hindi free yun and nag-alibi na lang sana sila na nagdagdag yun or something para maupgrade yung ticket nya. thirdly.. anong first come first serve? keh dami dami pang patron tickets ndi yun ang una nilang ibigay. kakapag init ng dugo. BWISET!

to top it all.. wala pa rin yung discman ko and it looks like i wouldn't receive it na.. 'cause my sister said that GENTEXTERS lang daw ang pwede manalo nun. so i guess fault ng globe yun tawag² pa sila saken. kasi nakalagay dun sa papel.. "Ann Gretchen Espinosa - not yet cleared by Globe" probably yun nga ang reason dahil 'di naman talaga ako GENTXTER.. anywayz.. OK LANG .. ika nga ng sister ko.."

"At least na-harass mo na sila"

LOL!
malaking HMPFT!

tapos sinasabi ko sa ate ko..
"baka naman natandaan nila ticket number na binigay nila at harangin tayo sa pagpasok"
LOL!! takte napakasadista naman nila pag ganon. sobra. hanggang ngayon nabubwiset parin ako. ang laki ng difference uh.. 4 patron tickets..Php 8,400 lahat, compared to Php 2,800... talagang hindi ako aalis dun unless they give me a valid reason.

bukas siguro matatawa na lang ako. pero ngayon nabubwiset parin ako e..sensya na sa mga makakabasa. i have no idea kung ano nangyari sa mga succeeding "prize" winners ah.. pero wish ko lang is hindi rin sila pumayag na upper box b ang ibigay sa kanila! yung cousins ko nga na magke-claim din ng tickets (na sinabihan ko na na wag silang pumayag) ang reason daw sa kanila is wala na daw patron tickets.. when actually parang nagkasalisihan lang kami and a few minutes lang ang difference.. grrrr talga pak..

hay. *calms down* mabenta na nga lang tong mga ticket na toh LOL!

No comments: