Friday, August 23, 2002

System Time: 4:05 pm
/me strets strets sa upuan

..wahaha ayan reklamo kasi ng reklamo na walang ginagawa binigyan tuloy kami.. mula pa kahapon, nagpoprogram epek ako para makasunod sa mga bagong requirements.. ngayon ko lang na "semi" tapos kaya ngayon ko lang ding naisipang magsulat ng blog.. lapit na uwian TGIF!
..kahapon nga pala umalis ako kasama ng barkada..pinakilala sa amin ni harbie ang kanyang "nakaraan" (at kasalukuyan na rin sana!! hehe) na si Alfredowww.. (with a slang)..pumunta kaming Eastwood at nilibre ni Harbie.. (yahoo TakaYama!)
..syempre yosi kami ni Ria..tapos chika chika 4ever nila Roni, Harbie, Anshe (TP!) .. ang saya! kaming 5 nga lang pala.. (sa barkada) dahil ewan ko buh keh Eboy, hindi na naman pumunta (bwahah purkit andun ako ano.. nagfeeling nako :p).. grabe si Roni.. pinagpaalam ako sa bahay! hindi ko nga alam na pinagpa-alam ako.. sinabi lang sakin ni Ria na yun ang balak ni Roni pero di ko akalaing gagawin nya talaga..kaya ayun..legal akong gumimik hehe.. (SALAMAT NG MARAMI RONI! *MWAH*)
..SYEMPRE ang 10:00 na sinabi kong uuwi na ako eh naging 12 a.m... buti na lang hinatid ako nila Harbie..balak nila talaga pumunta pang Kelly Heights (or kung san man meh overlooking sa antipolo).. eh nung dumating na sa bahay namen.. naaliw ang mga loka sa beads ng kapatid ko.. at yun nagsiupuan dun at gumawa ng mga necklace at bracelet LOL! hehe katuwa nga e..kasi ang tagal ko na ring walang bisita sa bahay.. tapos gising puh si momi nung dumating kami kaya chika chika nila rin siya.. syempre pinagmalaki ko rin ang bago naming TV (hahahaha) at pirated DVD collection (:p)..basta ang saya! tagal na rin kasi naming hindi nagkikita kita.. (sila mga college barkada ko).. lalo na si harbie.. di na nga namin maisip kung kelan kami last nagkita..
uyyyyyyyyyy ang sweet ni Harbie at Alfredowwww..(/me kanta.. mulinggg ibalik ang tamisss ng pag-ibiggg YIKITUWWWWW!!) ..PRAMIS.. ngayon ko lang nakita si Harbie na kinikilig HAHAHAH...
..ngayon pala gagabihin na naman akong pag-uwi kase Anniversary ng PI chapter (APO) at pupunta ako..(hihiya talaga ako keh Ma'am Belle, e).. pero balak ko rin umalis ng mga 9 pm para 10 asa bahay na ako.. at mahirap ng mapagalitan.. ^_^

.. isa lang masasabi ko.. ang SAGWA talaga pag nagsusulat ako ng blog na tagalog.. pakiramdam ko parang article sa Xerex ang dating!

chet 4:39 pm palang.. 5:00 uwian ko pag friday e..hay gusto ko pa namang umuwi ng maaga ngayon.. :(
yung kapatid ko nga pala (si ate Ging) pupunta sa Malaysia sa Monday! isang buwan sya dun.. kanina ko lang nalaman.. yeheyyy isang buwan akong walang roommate! hehehehe (sama ko buh?..) yeheyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy (wala na.. o.a. na)
hay..kinakabahan na naman ako.. makikita ko na naman yung mga brads at sis ko.. okay lang yung mga residente e.. (syempre mas matanda kasi ako hehe) pero yung mga alumni (lalo na yung soro)..kakakaba lang.. kasi syempre di maiiwasan yung mga tanong tanong na "bakit ndi na ako active..blah blah" .. ewan ko buh..khet gustohin kong maging active eh lagi namang weekend ang mga services namin.. or kung weekday naman laging gabi.. eh ako puh putik.. ngayon nga lang siguradong papagalitan ako kasi 2 beses na magkasunod akong gagabihin.. fatay
ano buh yannnnn 4:51 pm pa lang..feeling ko dakdak na akong ng dakdak dito di man lang umaandar ang oras.. bilis ko kasi magtype ngayon..di kasi ako nagiisip ng itatype kasi madaming kwento tsaka tagalog..di na ako nagiisip ng grammar ko hahaha
hay nagsasawa na ako mga mp3 ko dito.. paulit ulit nuh.. di puh madadala ng kapatid ko yung CD-RW nila sa office kasi gagamitin daw bukas..huhuhu.. mapapabili na naman ako nito.. (wahhh Gastos!) ay ay ay! isa pa palang good news.. makukuha ko na last payroll ko sa Infostructure...cleared na daw ako e..(hurrah!) bukas ko daw kunin sabi ni Ate Eden..kaya bukas ng umaga pupunta akong Makati.. ang aga nga e.. mga 9 daw.. pero baka mga 10 na rin ako pumunta..di naman siguro siya uuwi kagad..

ay 5:00 pm na..pero di puh ako uuwi.. ewan ko kung sasabay ako keh ma'am belle papunta dun sa Apo event.. sa cubao lang naman e.. pero baka mahuli akong nagpapanggap lang dito hehe kaya babay na muna..

/me save sa diskette para i-paste na lang mamaya..
babayyyyy!

System Time: 5:32 pm
waaaaaaaaH ..umalis na mga kabatch ko.. andito parin ako.. eh hindi ko mahanap si Ma'am Belle.. nyeks..pano ako pupunta dun.. hmmm
ayy tumawag ako keh joy (sis batchmate)..magkikita na lang kami sa cubao.. hehe.. alis na ako dito iniwan na kao ng mga tao.. babay! goodluck to me!

No comments: