System Time: 8:15 AM
gud mawninn!!! i had a GREAAT weekend.. though i had some DOWNERS.. i hate self-righteous persons.. lamnyo yun.. know-it-all, little-miss-perfect, however you call it.. i absolutely loathe them.. ANYWAY, as anshe said, "DUH! WAG mo ng pansinin yun".. so i'm taking HER advice and am trying to forget about it.. (/me delete # nya sa phone ko, "betch!" lol)
about my great weekend, we (raymond and i) went to tagaytay last friday.. who would have thought that i could get to tagaytay just by commuting? katuwaaa sobra. i guess it helps na meh logic at sense of direction ang kasama mo LOL! we took a bus ride sa meh Edsa Central station (tama ba?) papuntang Nasugbu, Batangas.. he wanted to go to Sonya's garden but all he knew was that malapit na yun sa papuntang Nasugbu.. so anyway, when we reached tagaytay proper, bumaba na kami sa bus with the intent to 1.ask for directions 2.to look for a bank and withdraw some money..konting lakad tas yun, meh bancnet na bank.. tas tanong, tanong.. sakay kami ng jeep na Silang ata.. (arrggh ewan LOL!) basta binaba kami sa meh road na papasok na ng Sonya's.. actually, if we stayed on the bus, we would have passed by that road too.. (now we know, hehe) THEN, tricycle ride lng papasok.. (medyo malayo pa eh, buti pinigilan ako ni raymond na maglakad papunta dun, lol!) we arrived at Sonya's around 10:30 am.. ganda ng place.. garden talaga..(kaya siguro Sonya's GARDEN, diba? lol) medyo naligaw sa loob (pero okay lang, kunwari nag eexplore kami diba hehe) before we found the restaurant..it was well-worth the trip, the place was filled with the scent of the flowers and everything was just beautiful.. (i won't comment on the food, word of advice: eat first before you get there hehe) after eating we walked around the place a bit and stayed on a bed (yep, a bed) to just soak up the environment.. everything was so green and peaceful.. basta, ang saya! lol! we left at around 2:30 (i think) and of course, we had to wait for a tricycle to get us to the main road.. (meron naman, TG!) gusto kong pumunta sa meh Taal side so nag jeepney ride kami (at syempre LUMAMPAS pala kami mah gasss) at bumalik pa thru a tricycle ride.. (OA pa yung tricycle uh, 50 bucks daw ba ang singilin samen) pero kakatawa yung driver.. sabi ba naman..
"room po meron na kayo?"
LOL!
"overnight, overnight?"
hahaha. sabi na lng ni raymond "ay, ndi po!" anyway, ayun, tumambay lng kami sa meh pancake house (medyo kasi kasikatan ng araw so it was kinda hot to stay outside) ..
meh kakatawa palang nangyari... naka-upo kasi kami sa pinakadulo, with our bench facing Hen-Lin, which was situated beside the Pancake House.. so if you go dun sa parang balcony ng HenLin, makikita mo kami dun sa baba.. so anyway, while we were seated there, meh nakita akong kumukuha ng picture namin.. tinuro ko pa keh raymond kasi kakatawa.. totally yung camera lang ang nakalabas tas nakaharap samen.. so ako, ngiti pa ako at posing hehe kasi ang weird diba, bat naman kami kukunan ng picture.. tas pagtingin ko sa phone ko, meh text ako.. it was from Mario, officemate namin sa Prumerica (contractor din ng Radix) ang sabi nya..
"Masarap b ang fud sa Pancake Haus?"
LOL! RIOT diba! takte eh ang paalam ko eh meh lalakarin ako sa LTO tas si Raymond parang nagsusuka ek ek ata.. tas si Mario absent din dhel meh LBM DAW.. ayun.. tas text din siya keh Raymond, something like..
"Okey k n b? Nakakakain knb?"
HEHE. tas mega tawag kami at text keh Mario kasi buking na diba, eh putek, total deny siya, so FINE! ayaw mong umamin edi wag.. basta, alam NAMIN tlga eh andun siya dahil sobra namang coincidence yun pag ganon.. olats tlga si Mario, ndi na lng umamin eh, kesyo nagtatanong lang tlga daw siya kung okey fud doon kasi nagiisip daw siya kung san kakain, sa Pancake House daw ba or sa Dencio's.. eh HELLOOOO meh Dencio's sa tabi ng Pancake House.. ano ba yun.. sana nagbanggit na lng siya ng ibang restau diba.. tas ayaw parin magpakita samen.. commute parin tuloy kami pauwi hehe.. pero yun, bago kami abutan ng malakas na ulan eh nakasakay na kami ng Van papuntang Pasay.. tas mineet namin sila Anshe and Ria (papasukat ng damit for Roni's wedding) sa meh Mindanao Ave.. so that was our Friday..
Saturday naman, pumunta siya sa bahay.. i told him mga 9 a.m. para makasama siya pag pumunta kaming Paenaan ni daddy.. ayun, nakarating naman so naranasan nyang maging driver ako (1 beses lng ako namatayan, lol) pero natataranta daw ako pag nagmamaneho hehe.. (kaya nga nagpapraktis eh!) ayun, pinakilala ko siya sa aming mga piggy and itik and manok, lol.. tas uwi na rin kami, nood ng Laws of Attraction (dvd lng) and basically just hanging out sa bahay namin..
anggggg saya. :)
hope you too had a great weekend. bye guys!
p.s.
can't believe you're mine. MNK! =)
No comments:
Post a Comment