Monday, September 15, 2003

...mondays really suck! lumampas na naman ako sa lecheng shuttle.. pagising ko, asa jupiter street na ako waahaha.. buti na lng maaga puh at nakaabot ako ng 8:00 a.m. dito sa office.. (logged at 8:03 a.m., meh grace period kami 5 minutes kaya di puh ko late)


THE EVENT
grabe. i went to the concert with Ate joy.. i wasn't really planning on going.. kasi ala akong pera.. but last friday, nagsweldo kami.. tas tinatanong ako ng mga officemates ko kung pupunta daw buh ako.. kasi it's a known fact here sa office na F4 fan ako hehe.. (yung project binder ko meh mga mukha nila, LOL!.. katawa puh, kasi, lahat ng asa project meh ganong binder.. eh napunta ako sa pwesto ni Sir Herbert dati (remember?) kaya andun binder ko.. tas nakita ni Ma'am Malou.. pinagkamalan puh nya na keh Sir H yon bwahaha! kaya inaasar si Sir H na meh HD siya sa F4, LOL!)
anywayz,wer was i.. ayun.. so ask mga officemates ko kung pupunta ako.. eh yun, napaisip ko.. baka meh ticket puh khet the next day na ang concert.. so punta ako ticketworld.com.ph tas voila! meh tickets puh! nasiyahan puh ako kasi yung 1500 php na tickets eh meh seat number.. eh ayoko ko kasi na manood na first come first serve ek ek dhel dapat maaga akong andun sa venue.. so ayun.. naconvince ko si ate Joy na manood kami..grabe saket sa bulsa uh.. ang dami ng mabibili ng 1500 huhuhu

ONE-WAY TICKET
sobrang adventure puh yung pagbili ng ticket na yon! quarter to 1pm na nun..eh dibuh 12-1 lng lunch break namin..so mega isip kami ni ate joy kung makakaabot kami pabalik ng 1.. eh sa National Bookstore nagpupurchase ng tickets.. tas meh branch ang NB sa Shang which is just an MRT station away.. 5 minutes lng yun.. eh di go kami sa Shang.. putek! pagdating namin din, break ng hinayupak na taga-Ticketworld.. 1-2 pm ang break nya.. eh nakarating kami dun ala pang 1 pm.. langya tlga yun.. eh ayaw pa naming bumalik ni ate joy na biguan.. kaya punta naman kami Megamall.. next MRT station siya.. 1 pm na nun.. meh plano puh kami na pagkaalis sa train eh mauuna ako at siya naman bibili na ng ticket pabalik ng Boni station (sa office).. pagdating ko NB, natuwa pa ako kasi kita ko meh nakapila sa Ticketworld counter.. yun pala panandaliang kasiyahan lng ang naramdaman ko at last customer na daw yun andun, magbebreak na yung tindera. LECHE tlga! pinaasa ako ng langya na yun, lol! konting paamo nga ako eh wa epek.. di ata ako mukhang kaawa-awa lol!.. bumalik kaming luhaan sa office..kakatawa pa kasi nung pabalik na kami, kita naming sumakay si Sir Emman (in charge sa payroll dito sa Radix) na sumakay sa nauunang train sa Shaw station.. ehdi super kabado kami.. tas nung asa boni station na, tamang-tama nakatapat yung escalator (na palabas ng station) sa pintuan ng train namin.. mega takbo kami ni ate joy tas pagdating naman sa elevator pababa (nalito na buh kayo? haha) eh sinara namin kagad yung elevator door at sabay dasal na sana malayo-layo pa si Sir E... pagbukas ng pinto takbo na kami papuntang office.. pagpasok namin.. shet.. sabay bati si Ma'am Q, "oh, nakabili ba kayo ng ticket?" LOL!!! takbo takbo puh kami eh si Ma'am Q rin pala bubungad samin.. buti nga ndi kami pinagalitan,.. eh to think 1:45 pm na kami nakabalik.. lol.. mabait rin naman pala si Ma'am Q, hehe..

so ayun.. asa office kami.. late na nga at pagod pero wala paring ticket.. isip puh kami ng ibang options para bumili ng ticket.. pwede online kaso ala naman kaming credit card! tas si ate joy, naalala yung friend nya na si cecille at sa kanya na lang nagpabili.. malapit kasi office ni cecille dun sa megamall.. waahhaha.. by 4 pm that day, meh tickets na kami.. Patron Left Row B, seats 26-28.. (kasama si cecille)

.. excited na sana ako magsabado nun, kaya lng kelangan ko palang mag OT.. so pasok ako ng 8:00 am (pak ang aga.. remember, sabado yun uh! huhu!) tas umalis ako ng office na ndi puh tapos ang program ko (pero kumakanta na ng show me your love) ng mga 6:15 pm.. yung concert eh 8 pm.. inisip naman namin na meh reserved seats naman kami so okey lng na ma-late.. tsaka usually naman, late tlga nagsisimula mga concert eh..

THE LONGEST LINE
waaaaaaaaaaaaah. title pa lng alam nyo. SOBRA AS IN SOBRA ANG pila! sumingit na nga kami ang tagal parin namin nakapila.. tas eto na..

PANDEMONIUM
pagdating namin sa "entrance" ng ultra football stadium.. MADIRPAKIR! puno na! as in puno! wala ng security, wala ng usherette.. in short, wala ng kumukuha ng ticket! putek asa akin parin ang 1500 namin na ticket at buong-buo pa rin siya.. (at least meh souvenir ako ano?) di namin alam kung san pupunta.. buti na lng si ate joy meh sense of direction.. ako nga, ndi ko man lng makita kung asan ang stage eh!!.. kung san san kami naglakad paikot ng stadium.. ang gulo gulo talaga.. pagpasok nga namin eh napatingin ako keh ate joy at napamura.. "tangina. ano toh!?" sa kakalakad namin meh nakita kaming nagkukumpulan na mga tao.. meron palang opening na maliit pero isa isa lang ang pinapapasok.. (tatanga tlga ng mga security.. ala silang silbi!) imagine nyo.. about a hundred people pushing each other para makaraan sa isang butas na kasya ang isa.. it was a riot waiting to happen! eh kami, tanga tanga nakisiksik kami.. taenaaa...

ELECTRIKYUT
there was a big truck beside the entrance.. tas sinigaw ng isang tao dun.. "wag kayo didikit dyan! meh ground yan!" NYAHHHHHHH! eh directly asa right side namin yun nila ate joy.. eh tas tinutulak puh kami.. grabe,..buong body weight ko pinupush ko sarili ko away from the truck.. eh lalong dumami yung mga tao.. meh mga pumunta ng 4 na lalake or so para magsilbing human shield (lol) dun sa mga tao at dun sa hinayupak na truck.. tas si ate joy.. waaah.. nakuryente siya! waah.. katakot tlga.. kasi nakuryente yung lalake na katabi nya (yung isa sa mga human shield) tas nahawa siya.. natakot na talaga kami nun.. naramdaman din ata ng mga tao sa paligid yugn panic namin at lalong nagtulakan.. grabe.. di ko akalain na makakalusot kami sa gate na yun.. pero TG nakalusot kami.. (meh konting tulong nga lng keh ate joy.. sabi ko nga, tagapulot namin si ate joy.. lagi nya kaming pinupulot sa lupa! lol!) ang putik putik na ng jeans ko dhel napaluhod nga ako.. buti na lng tlga inakyat ako ni ate joy at baka natapakan puh ako ng mga tao.. si cecille binalikan puh namin kasi akala ko asa likod ko lng.. pagpasok namin eh naiwan pala siya..

THE CORE
SUCCESS! asa loob na kami.. sori na lng sa rubbershoes ko at pantalon.. fave ko puh naman yugn suot ko.. waah.. at putek.. i forgot to say the most awful part.. UMUULAN NGA KAYA MAPUTIK! di tlga nakikisama ang panahon at tlgang binabasa puh kami..talagang sinusubukan kami..

pagpasok namin.. we still had no idea where our designated seats are.. lakad lakad ulit kami tas narealize na namin na hopeless na yun..nagtanong tanong kami kugn san ba ang area ng ticket namin.. meh nakita na naman kaming nagkukumpulan para makapasok sa inner area ng stadium.. mas kawawa nga yung iba naming kasabay kasi yung mga ticket nila 5000 php tsaka 3000 php, di na nila masilayan ang kanilang mga upuan.. (kami rin!) nagstastart na yung concert.. (di ko kilala, dami kasi local na front act).. asa labas parin kami ng bakod nung 5,000-1500 na area.. tas sobrang nabubuwsit na yung mga tao at ayun na.. GINIBA ANG BAKOD! wahaha.. mega tinikling ako sa bakal at napaluhod na naman ako at inakyat na naman ako ni ate joy.. grabe.. (thank you tlga ate joy! lol!) tas ayun na.. para kaming nakawalang mga preso..

THE FUN BEGINS
ohmigod.. asa 5,000 php area kami! kuha ako 4 na monoblock at pinagpatong patong yun sabay tayo dun at voila... kitang kita ko na ang stage! ganda pa ng pwesto namin dhel malapit sa speakers tsaka sa wide screen.. wahahaha.. nung umpisa nakatunganga lng kami nila ate joy and cecille.. napagod kami at parang nagmuni muni sa mga nangyari.. kakatakot.. kakapagod.. basang basa puh kami.. pero nung si Gary V na ang nagpeperform medyo nakapagpahinga na ako at nakikijoin na ako sa kasiyahan sa ultra.. lol!

HELLO PHILIPPINES
eto na.. si Shan Cai tsaka kapatid nya.. umaambon parin.. pero ang saya sayaaaaaaaaaa!! tumatalon talon puh ako sa 4-storey monoblock ko na alang takot lol! ang ganda nyaaaaaaaa.. katuwa pa kasi sinasabi nila.. "SALAMAT PO!" or "KAMUSTA KAYO?" hehe..kumanta sila ng 2 chinese song.. tas yung last.. sabi ng kapatid ni Shan Cai.. "THIS IS FROM BARBIE'S show!" .. tas si Shan Cai, sabi nya kung alam daw ang melody makijoin.. siguro kasi chinese eh.. putek.. kinanta nila yung keh Harlem Yu..wahaha..buong PILIPINAS nagchichinese at sumabay sa kanya sa pagkanta.. ang saya saya!!! from start to end nakikanta yung audience (pati ako syempre hehe) .. kakatuwa kasi tuwang tuwa sila Shan Cai sa pinoy.. akalain mo bang ganon karami pumunta.. siguro 100,000 ang mga tao dun.. puno kasi eh.. as in puno buong stadium..

grabe na yung sigawan nung sinabi na si Vaness na.. as innn.. ako rin mega talon talon parin.. wahhh.. ang gwapoooooo.. pag nagbinoculars kami kitang kita ko muscles ni Vaness! lol! kinanta nya yung Searching for Juliet tsaka Body will sing.. isa ring chinese song tsaka isang english na church song.. lol.. katawa nga yung church song kasi acapella lng at sinabi ni Vaness na ala daw sa script yun at nagtataka daw yung crew sa pinaggagawa nya sa stage.. bait nya dibuh? onga pala.. binati ako ni Vaness.. kasi sabi nya.. "HELLO PHILIPPINES!!"
putek! ako yon! lol!

THIS IS MY PERFECT MOMENT
tas si ken na. words cannot describe kung gano siya kagwapo. titili na lng ako. */me tili hanggang mapaos ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!* 3 rin kinanta nya.. isa dun yung Here we are at isang english song.. nung nilabas nga nya lng yung guitara mega sigawan na mga tao (kasama ako dun hehe) dhel alam na na kakantahin nya yun.. kainis lng at ndi nya kinanta yung show me your love.. sigaw puh naman ako ng sigaw.. "KENNNNNNNNN!! SHOW ME YOUR LOVE!!!" LOL!

nagsama rin sa stage si Ken and Vaness.. kumanta sila ng isang kanta at katuwa kasi sumasayaw sayaw si ken.. hihihi.. di siya ganon kagaling.. kakatawa siya lol!

ANTI CLIMATIC
yun.. babay na ken and vanness.. kakalungkot.. meh isa pa ngang kanta yung lahat ng local front acts .. with matching super nice na fireworks.. pero nakatitig na lng ako sa fireworks at nirereminisce ang napanood ko.. grabe! nakita ko tlga si Ken and Vaness! yung pinapanood ko sa DVD lng eh kumanta at sumayaw para saken. oki payn, para sa pinoy pero parang sa akin na rin yun! hehe!!

ALL'S WELL THAT ENDS WELL
pagod na pagod kami after.. naglakad puh kami at pinagalitan puh ako dhel nagpasundo ako at ang lakad ko daw eh papalayo puh samen.. sabi nga ni dadi "ANO KA BUH PUPUNTA KA BANG MAYNILA!?" hehe. sori la tlga akong sense of direction..

sige.. hanggang dito na lng ang aking "short" story.. sa susunod na adventure ulit.. (sana matagal tagal puh yun!)

/me tili for one last time (well, at least for this day) for F2.. "aaaaaaaaaaayyyyyyyyyyylabyuuuuuuuuu!!!"


p.s. napanood nyo buh yung The Buzz. waahhh kainggit talaga si Kris.

No comments: