Sunday, February 06, 2005

...a greeaaat weekend

last saturday, pangs and i met with our first prospective caterer, Mrs. Wilma of Karwaje Catering Services.. we really like her!! proud na proud siya sa food nila, sa pagsasalita nya, parang sure na sure siya na hindi siya mapapahiya sa amin. we discussed the menu with her (secret muna kung anu) and we're so excited about it 'cause we got everything that we want that is still within our budget. kwento pa siya about sa weddings na pinagcater na nya at isa lang masasabi ko , magaling siya sa marketing hehe. bentang benta siya samen.. sabi nga ni pangs, 180 turnaround siya sa karwaje,.. kasi nga mahal siya nung unang tingin namin pero after meeting ms. wilma, nilagay nya yung gusto naming menu sa pinakamura nilang package bwahaha. we'll still meet other caterers, particularly Blue Petals Catering, pero so far, we are impressed. nagsuggest din si mrs. wilma ng ibang venues, ('cause we were thinking of doing it sa Renaissance Bramante, Poolside) and she suggested Kapitan Moy sa Marikina which has a big church (Our Lady of Abandoned, San Roque) in front of it.. so punta kami dun, meh kinakasal nga eh, ako nagustuhan ko yung itsura ng flowers, (si pangs hindi hehe) tas tanong kami kung how much and everything.. (8,000 bucks yung flower arrangement na nakita namin, with matching lilies sa floor) PERO hindi na available yung date na december 10 (can you believe it!? i can't! grabe magpareserve mga tao uh, shado excited. lol) pero we still went at Kapitan Moy (just across the church) and looked inside. It's like an old house with a big hall.. hindi kami nagandahan eh (the floors were chipped and faded, panget ng ceiling) so i told pangs, punta tayu renaissance! so we went there (wala kaming planong pumunta, eh, i needed something positive to end the day hehe) tas after asking for directions INSIDE the renaissance centre for like 10 times, we finally found the poolside. it wasn't anything spectacular, pero pwede na rin. tas si pangs biglang nagyaya din na pumuntang guadalupe viejo.. so punta kami dun, and nagandahan din si pangs sa church. it's a small, old church that's really perfect for weddings. bad news is hindi na rin available yung dec. 10.. every 4 pm slot on weekends from november up to january 2006 were already reserved! my gosh, kakabuwsit. siguro it's the december thing, peak season talaga siya. sabi nga, mas maraming kinakasal sa december keysa sa june. anyways, meh isang weekend ng january ang available (meh nakaERASE lang na pencil dun, lol) so dun na kami ikakasal. meh pros din sa change of date. first of all, aapprove si mommy kasi sabi nya, next year na lang daw kami ikasal. OHA next year yun uh! (never mind na 1 month lang ang nadagdag haha) second, hindi na maulan sa january so pwede yung garden wedding na gusto ni pangs! tiningnan din namin yung garden nila, it's very simple but pretty. courtyard talaga ang dating nya, and it has so much potential, madali siyang pagandahin, so pinareserve din namin yun.

kanina naman, pumunta kaming manila seedling bank sa meh QC.. tas i looked for potted flower plants kasi yun ang balak naming souvenir ni pangs.. ang saya! ang saya talaga dun! ang mura kasi bwahahah. mga 3 for 100 lang yung potted mums, pero i bought yung Celosia na plant (dark yellow and dark orange) para mapakita ko keh pangs at baka sakaling maipopragate ko eh lalo kaming makakatipid..instead of hiring a florist, bibili na lang ako ng magagandang plants, papagandahin ko tlga yung garden sa guadalupe! happy rin ako kasi open na yung family ko to the idea of my wedding.. binilan pa ako ng bridal magazine ni mommy.. i showed them the ring for the first time tas nagandahan silang lahat lalo na si ate chary.. (pero pangs, parang nahulaan nya yung secret naten eh hahaha pero i still didn't tell) si ate ging, so-so parin, pero she'll come around. i have faith naman. LOL.

salamat sa lahat ng nagcomment!! thanks so much, lalo ako natutuwa tsaka naeexcite. babay muna, gusto ko ng basahin yung magazine eh hehe. and to my pangs... i'm THE luckiest girl in the world. i love you!!

the title says it all. but i have a good feeling there will be greater weekends to come..

4 comments:

aMgiNe said...

naks ano na ba kakantahin ko. hehe excited din daw. ^_^

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

hi geri..si ruth to. grabe anonymous daw ako yoko nga magsign up pa anyweiz, nyahaha sobra namang natutuwa ako for you..haaay..grabe kakainggit ka ha..hihihi im sooooooooooooooooooooooo happy for you...kitang kita ang excitement sa iyong mga sulat har har har...pwede mo bang english-in ang mga posts mo para pabasa ko kay papo derek ko baka mainggit eh at yayaain din akong pakasal na bwahahahaha joke..mga alam lang na tagalog non puro kalokohan eh hahaha..

Anonymous said...

Geri!! congrats :) Gulat ako when I saw ardi's status in YM..hehehe..

Cheers!!!
-Anna-PRISMS