Thursday, December 14, 2006

...first and second day

elow! so happy to report that my officemates are pretty nice and that i have not been eating lunch by myself, harhar. that's like my biggest fear whenever it's my first time in a new company, feeling highschool.

okay, so first day, right at the gate where i still had to give an ID to security, a Pinoy (let's call him Kuya J.. i'm not going to say names na sa blog, kasi sa dating kong company, nagoogle nila blog ko eh! wahahah!) talked to me and said "applicant ka? interview?" tas sabi ko: "Ay, first day po!" tas sabi ni Kuya J.."uy, okey! May Pinoy dyan! matutuwa ka!" syempre katuwa diba hehe. So medyo nakangiti ako pagpasok sa office kasi meh friendly face kagad.

Sobrang antok ko nung first day kasi binigyan lang ako ng manual para basahin. Tapos ngayon, nakapwesto ako malayo sa mga ka-team mates kow. as in! meh stairs na pababa tsaka elevator between our areas. Tapos, ako lang mag-isa dun! wahahaha. sabi nga nila "You so lonely there-lah!" hehe korek. Nung mga 12pm na, pagkagaling ko sa CR, inapproach ako ni Kuya j, sabi saken "oh, san ka maglulunch?" syempre sabi ko "ay, hindi ko pa po alam" sabay sabi nya saken "teka, meh baon kasi ako eh pero kung ala sasamahan kita" tapos pinuntahan nya yung chinese na si ms.M at binilin na samahan ako maglunch. hahaha, nahiya ako ng konti pero super grateful. Bali nakasama ko nung first day ko si Ms. M na chinese, Ms. P na indian tsaka si Ms. V na pinoy. Yun ang una kong napansin, meh tendency kasi pag asa ibang bansa na magsamasama yung lahi diba? Samen, dinidiscourage talaga yung magkumpol kumpol ng ganun. Okey na rin, sabi saken ng manager ko, dapat daw lumabas ako sa comfort level pag ganon, kasi isang team lang naman daw kami. Okey, fine hehe. Anyway, bait nila, kwento sila, try kong maintindihan pero hirap talaga ng accent. Sana masanay na ako. After lunch, basa (kunwari) na naman ako, try kong intindihin pero nakakatulog talaga ako. Dumadaan minsan saken si Ms. E yung Admin, very nice din siya and very helpful. Sinamahan nya ako sa parang security building ek ek para kumuha ng temporary pass. Nung mga 3pm, dumaan yung isa pang pinoy si S. Hay, buti na lang kungdi nakatulog na talaga ako. Siya yung 2nd pinoy na nag approach saken (si Ms. V doesn't count kasi ako lumapit sa kanya eh heheh) tapos konting kwento about sa company. Tapos umuwi na ako. Maaga akong nakauwi, mga 5, paalam ako keh bossing dahil kukunin ko pa yung EP card ko, pumayag naman!

ay onga pala, they have their own canteen, ang mura by singapore standards! 1.8 sgd for meat+veggie and rice and fruit. oha, sabi ko keh Pangs, mas mura bumili, kesa mag baon! sabi naman ng mga pinoy S and P, give it daw a month and a half, magsasawa din daw ako ehehe.

Today was better because I was able to shadow some of the team members. Si S, tinuruan ako ng isang module, tapos after lunch tinuruan naman ako ni H. Dapat si H(chinese) magtuturo saken kaya lang meh ticket siya so si S ang pinaturo nya saken. Okey na rin kasi since pinoy si S, Pag meh tanong ako hindi mashado nakakahiya kapag stupid question hehe! Nakasabay ko sa lunch si S tsaka si P, fil-chinese naman. Both are friendly! so katuwa! Meh isa pang Pinoy si R, pero hindi ko pa nakakausap mashado. dumadami na nga daw kami eh hehe. si P tsaka si R, filchinese so hindi halata na pinoy sila pero pag nagsalita na, hindi mo makakaila hehe. Pinoy through and through.

So there. medyo kakalito kwento ko hehe, pasensya. pero bottom line is, so far, so good. tomorrow, dun daw muna ako upo sa area nila dun sa pwesto ng mga nakaleave para hindi naman daw ako malungkot dun hehe!


eto pala ang lonely area ko: (sabi ni raymond parehong pareho ng itsura ng area namin sa Pramerica)

13-12-06_0953

and lookie what ms.E the admin gave me.. office supplies!! i love new office supplies hehehe!
13-12-06_0952


yun muna, bye folks! iba naman pala name ko, Ann na ang name ko. I think Geri/Gretchen was too complicated for them. ehehe.

6 comments:

Anonymous said...

swerte! ganda ng area! sa aybiem syet.. siksikan.. sikuhan.. agawan ng upuan.. agawan ng space.. matira matibay.. :-p sana maluwag din sa lilipatan ko! hehe.. aja!

Anonymous said...

good for you! so far, so good (waaa naalala ko si pow!) ang united nations nyo dyan. hehe

the simpler the better ba, ANN? kse nahihirapan sila sa R at G eh. nag-iiba ng tunog hehe

Anonymous said...

ANN???! its so...hehehe! joke!
anyways, congrats at hindi ka loner on your first day..hehe!

jane said...

hi ann! im mary! mwahahaha! pareho tayo! =p o well.. as long as i know that they're referring to me.. =p

kelan mo ko treat? =D woohoo!

beng said...

dang. isa lang name ko! hehehe!
hi ann! =P

Aggie said...

Hello Geri! Happy Holidays!

Our Little Christmas Card!
My New Blog! Please update your links :D