System Time: 1:51 PM
..nakalimutan kong iupload mga blogs ko. tsk tsk. alang excuse.. nakalimutan ko lang talaga.
...nagkita ulit kami ni momi last wednesday. putek. dami kong kaOLATang ginawa. as in.
1. nung papunta na kaming megamall, dun kami sa MRT.. eh hindi na ako sanay na mag cubao-ortigas (laging ortigas-cubao).. nalito ako kung tama ba yung tren na sinakyan namen.. eh yun kaya sabi ko sa kanya na lumabas muna kami sa tren. tapos, tanong ako sa guard, tama naman pala.. umalis puh kami. pak.
2. nung asa mrt na kami, syempre naguusap kami,.. hindi ko namalayan kung ilang stops na ba ginawa or kung asang station na kami.. nung nakahinto.. tinanong saken ni momi kung san kami bababa.. sabi ko "ortigas" tas sabay tanong.."anong nakasulat dun sa sign?" kasi ndi ko na nakikita.. sabi nya "Ortigas na" sabay pasarado na mga pinto ng tren. ngayon lang ako lumampas ng tren sa buong buhay ko bwiset. dobol PAK.
3. syempre meh huli pa rin akong hirit. edi bumaba na lang kami sa Shaw. (isip ko para makita nya full-effect ng megamall.. kasi kung ortigas station kami bumaba, gilid lang ng building mapapansin nya.. pakonsuelo de bobo kumbaga) ang engot ko, dun kami umakyat sa right side, hindi dun sa papuntang Shangri-la. sa EdsaCentral ata yun nilabasan namen. ngayon lang ako nakapasok dun. nakalabas din kami dun pero syempre paglabas namen, dun kami sa side ng starmall at kelangan pang tumawid. keh layo. pak pak pak.
LOL!
...pero lamnyo.. oki lang e. mas gugustuhin ko ang puro kaOLATan, kaURATan sa buhay ko kung sya naman kasama ko pag nagyayari yun.. (cue in: "awwwwww") hehe. kakahiya lang, parang ako ang hindi taga dito.
ay ay! meh isa pa pala akong kaOLATang ginawa. pero kahapon lang yun e.. pero counted na rin yun hehe. gusto ko kasi syang bilhan ng polo, eh ayaw nya mag-suot nun, so inisip ko.. shirt na lang.. eh di hanap ako.. tapos sa tagal tagal kong pumili, mali parin nabili ko. kasi medyo narealize ko na baka maliit sa kanya. *wapaks sarili* kung hindi kasya sa kanya.. sabihin ko na lng ibigay nya sa kapatid nya. LOL. pak (4times).
...buti na lang ndi kami magkikita ngayon, meh time pa akong bumili ng bago. tsaka susunduin ako ng magulang ko dito sa opis! kakatext lang saken ng nanay ko.. sabi buh naman: "WAG KA GWA LKAD SUSUNDUIN KA NAMIN" ..ang marereply mo na lang sa ganyang text eh ang makabagdamdaming(?).. "k".
...dapat nga pupunta kaming makati ni momi ngayon e..pero sabi naman nya 'di puh sya sigurado kasi baka meh gagawin sya para sa review.. eh hindi naman tumawag so yun.. wanko kung kelan ulit kami magkikita.. kala ko nga next week eh 20+ na yung date.. next² pa pala.. (yeYY!!!)..25 na daw talaga sya aalis.. sayang.. kakatawa nga kami e.. yun parin ang anniv namen.. 25 parin...so mag 1 year 8 months na kmi! haha keh daya. nung nabasa ko yung sulat nya, may/june ata nun e. so parang 4-5 months akong singol... sabi ko nga sa kanya... "OK na ako e, bumalik ka puh".. pero totoo naman.. OK = manhid, di na depressed, nagtatrabaho... ngayon.. sabi nga ni ate cha.. "Rollercoaster ka na naman" (or something like dat)..pero masaya naman ang Rollercoaster dibuhhh? kakabahan ka, kakexcite tapos mapapasigaw pag umaandar na, kala mo mamamatay ka na sa takot pero actually, napaka-safe naman nya talaga..tsaka ang saya²! (oh dibuh..love is like a rollercoaster hehe)... pwera lang pag sobra na.. nakakahilo at nakakasuka na... ayaw mo na pag ganon.. gusto mong mag ferris wheel na lang.. pero babalik ka parin sa Rollercoaster pag okay na sikmura mo.. eh ako dati... ang tagal ko ng nakaferris wheel! gusto ko namang magrollercoaster LOL!! (gutom na ata ako?) hay basta. i Love my Momi! /me siksik keh momi sabay kiss sa neck
..sana meh mp3 ako dito nung To Reach You..
...to reach you, i'll fly across the sky.. to tell you.. we belong together, we were meant to stay forever...
System Time: 3:03 PM
... friday ngayon uh. bakit 'ndi parin nagbebreak tong mga opismeyts ko!? inaantok na naman ata ako. yung binili ko ngang chewing gum sabi: "Wake Up 'Chew your stress away' with caffeine".. la namang epek. kinakabagan lang ako.
... keh mahal nung Oasis tickets..nakita ko sa poster.. 2,200 (lower box siguro yun) ..tas meh 1000, 600 tsaka 300 (3000 pinakamahal).. eh lowerbox gusto ko para naman makita ko sila.. dati kasi nung nanood kami the corrs, asa upper box A kami (1700 na ticket namen upper box A lang. pero oks lng. nilibre puh ako nun e.. kasi dapat magcoconcert sila Feb, eh student puh ako nun..)
...PUTEK!! tumawag saken yung sa GENTXT! nanalo ako Sony Discman aside from the tickets! hahahahahahahah! lucky charm ko ata talaga si momi gwabe. yung pamilya nga namen ndi nananalo sa mga raffle khet kelan e. wow talaga hehe.
... ay asan na buh kwento ko.. wala na, na-excite na naman ako...ayun.. tungkol sa ticket.. (galing ano? yun yung topic ko dito sabay tawag sila sa fone ko hehe) tinanong ko nga kung 'san yun e.. sabi nya ..di pa daw sinasabi ng Sony kung san daw designated yung mga free tickets.. at least meh chance parin na ndi gen. admission yun hihihi..ayyyyy ang saya! di ko naman actuali gusto ng discman perce.. baka ibenta ko para pandagdag sa savings ko (na ipambibili ko ng laruan HAHA)
System Time: 4:25 PM
..buti rin pala at susunduin ako...kasi laman na lang ng wallet ko is 40 pesos..waaah ang gastos ko badtrip...
System Time: 4:55 PM
../me strets strets.. saket ng likod ko.. sa megamol na daw kami magkikita kita ng pamilya ko.. dun na daw kami kakain.. hmm.. maya puh siguro mga yon e.. ksi ang uwian ni ate chary 5:30 puh eh sya unang susunduin kasi asa makati na sila mommy.. hmm.. mag wiwindow shopping na lang ako (window lng.. la na ko pera e..keh tagal ng sweldo lol) tsaka tambay sa powerbooks (as usual).. baka meh bagong fairy tale book hehe...sayang.. sana nagkita kami ni momi dhel matagal puh naman yung magulang ko e bago makarating ng ortigas.. chet.
System Time: 5:15 PM
.. asa opis parin ako.. di puh nga tumatayo mga kabatch ko e.. eniweiz oks lng.. di naman ako nagmamadali..
..good news! nagsweldo kami! WAHAHA galing talaga ng timing.. kakasabi ko lang na la na ko pera.. hehe yeish!
..babay na rin.. sana maupload ko na toh.. bye all!
No comments:
Post a Comment